June 20, 2009
bumukas na naman ang bukang liwayway…
malambing talaga ang mga tao sa paligid ko…maswerte ako sa pamilya at mundong ginagalawan ko…
siguro yun ang regalo ng Diyos sa akin dahil araw araw kong pinagsusumikapan kahit papano maging mabuti…
masayang kabataan ang pinalala sa akin ng araw…
masayang bata at magandang pagbati mula sa kakilala ang nabigay sa akin ngayong umaga…
isang batang babae na pagpinagmasdan ko parang sia ang aking nakaraan…
masaya, malungkot at nagpatatag kong nakaraan…
kailangang ngumiti at magpakasaya…
kahit ang buong kalooban ay nahihirapan…
kailangang gawin ang dapat gawin…
dahil ito ang basehan para malaman kung magagawa mo ang nais puntahan…
alam kong di ko kayang gawin lahat ngaun at kahit sa mga darating na panahon…
pero ang mahalaga sa akin nagdulot ako ng ngiti sa mga taong nakakasalamuha ko…
para sa ganitong paraan magpatuloy ang regalo ng Diyos sa akin sa araw-araw….
“kahit may nararamdaman kang malungkot…
oks lang yun, tamo nga yung sanggol sa loob ng tyan ng nanay…
masikip at nakakatakot sa loob ng sinapupunan ng nanay nia…
pero nakokontento na sia sa haplos na may harang balat at laman ng nanay nia….
ang mahalaga naman me pag asa ka..darating din ang araw na sasaya ka,
tulad ng araw ng paglabas ng sanggol sa nakakatakot na mundong ginagalawan nia…
at sa paglabas niang un makakadampi na sa balat nia ang haplos ng nanay niang matagal na naghihintay sa kanya….”
June 19, 2009
Mabilis talagang lumakad ang panahon…kita un mula sa pagpabago ng mga taong nakakasalamuha mo…
tulad ng paglaki ng sanggol sa sinapupunan ng kaibigan ko…
tulad ng pagbabago ng batang minsang naturuan ko…
tulad ng isang gwapong binatang nagbago ang pananaw dahil sa bagong responsibilidad na nakaatang dito…
marami at mabilis na pagbabago…
ako? di ko alam kung marami ng nagbago sa akin…
basta ako, kahit di ganun kaexciting ang buhay ko…
pero magkaganun man..magpapatuloy ako, pagsusumikapan kong mapasaya ang bawat araw sa pagharap ko sa kapalaran ko…
kahit hinay hinay lang…dapat ienjoy ang bawat pag patak ng oras…