Titser

esNakatapos na naman ako ng isang klase…ayos me mga nauto na naman ako…sa tuwing natatapos ang isang klase ko…di ko maiwasang malungkot…kahit sabihin na nating siyam na meetings lang kami nagkita kita….aba…matagal tagal na din yun…wala naman akong particular na paborito sa kanila…dahil ang totoo di naman ako nagkaroon ng paborito…nakakatawang isipin lang na sa itsura kong ito… napagkatiwalaan akong mapakinggan kahit sa konting panahon lang ng mga taong ni hindi ko man lang nakalaro nung bata ako…iba pag guro ka talaga…di sa pinagmamalaki kong guro ako..actually (parang artista..pa actually actually pa) di ako sanay tawaging mam..pero napagtanto ko lang na me ibang hatak talaga ang mga titser. Kahit di nakakatawang joke ang bitawan ko…aba napipilitang tumawa ang mga estudyante ko…kahit nakakarindi ang kadaldalan ko…sige pinapatulan nila ang topics na binubuksan ko kahit alam kong wala silang pakialam dun…ang mga pagbigay ng mga opinion sa mga sitwasyon ko na kahit alam kong di na dapat nila pakinggan eh kanilang pinapakinggan.

Di na mga bata ang mga naging estudyante ko..yung iba sa kanila pede ko ng maging magulang…pero iba ang mga bagay na nadama ko ng makasama ko ang mga ito…kaya sa huling araw me lungkot factor akong nadarama pero napapawi ito ng mga simpleng pagkamay at pagsabi ng salamat ng buong puso at ngiti. Although di ako sigurado kung yung sayang yun dahil sa naututunan nila o dahil nakawala na sila sa akin..pero whatever it is…am damn fulfilled every time I experienced it.

Totoong mahirap magturo…dahil di birong magpanggap na alam na alam mo ang buong bagay sa tinuturo mo..pero masarap maging guro…at sa kahit anung edad mo gawin ito…kung nagawa mong patunayan ang pagiging papel mo bilang isang guro…ibibigay nila ang respetong nararapat sayo.

~ by jeck on November 17, 2008.

One Response to “Titser”

  1. hello po patulong naman sa pananaw ko sa titser ni liwayway arceo

Leave a Reply