INC and Melvin (AST #4)
May mga bagay na pinagkaiba kami sa paniniwala ni melvin, isa sa mga kaopisina kong nakaaway ko nung nagsisimula pa lang ako sa borland…madalas nga di ako sumasang-ayon sa mga diskarte nia…marahil ganun din sia sa akin…pero marami na rin akong bagay na nalaman sa buhay nia…at isa sa mga alam ko…sobrang mahal nia ang pamilya nia at grabe sia magtrabaho…
Habang naglulunch kami kanina napag usapan namin ang kanyang relihiyon…isang oras na pinakilala nia ang kanyang relihiyon sa akin…at marami akong natutunan…marahil isa ito sa mga pagkukwentuhan namin na nag-enjoy siang magkwento, sa sobrang haba nga ng pagkwento nia inantok ako at ginusto ko ng matulog pero dahil gusto ko ang reaksyon nia sa usapin namin pinakinggan ko na rin sia…(di kasi pala kwento at bihira niang sayangin ang oras nia sa pagdadaldalan…)
Alam kong me kanya kanya tayong pananaw sa buhay..me kanya kanya tayong pagkakaiba…pero mas maganda kung bibigyan mo ng oras pakinggan ang mga seryosong paniniwala ng ibang tao…sa ganitong paraan mauunawaan at makikilala mo sila ng husto…
