a birthday celebration

Nag birthday nung last tuesday ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan na si ate fely. e di ko sia nabati nung mismong birhtday nia…pano naman kasi nasira ung charger ng phone ko…e walang katulad ung charger…so wala akong nahiraman…so di ko sia matext kasi drain…di naman ko rin sia matawagan kasi di ko alam number nia sa haws….ung friendster naman nia…dekada ata kung buksan nia…di naman ako makapunta sa kanila late na uwi ko tapos aga pasok…so wala talagang way na mabati ko sia ng mga araw na un..kaya ng makita ko sia kahapon sa kalsada ng lumabas ako ng bahay e hinabol ko sia para batiin…e kasama nia rin pala ung isa rin sa malapit kong kaibigang si tina..mamimili daw sila ng pangrekado para sa pansit na lulutuin para ke ate fely ito ang treat ni tina ke ate fely. Kaso as in pansit lang…kuripot talaga ang negrang yun…hehehe..dahil sa pansit lang ang hinanda ng mabait kong kaibigang si tina..nagvolunteer akong bumili ng red wine para me mainom kami kahit konti lang di kasi pede sobrang inuman kasi pasok kami lahat kinabukasan…so nagpasama ako sa kanya…aba ang bruha ng mapunta sa grocery kung anu-anong dinampot…loka-loka talaga parang binalak mag tayo ng tindahan ng chichiria at ang arte talaga..gardenia pa ang kinuhang tinapay…di nalang simpleng slice bread…hay…bruha talaga yun…pero magkaganun man nakakatuwang isipin na sa simpleng handaan na ginanap kagabi e nagsama sama uli kaming malalapit na magkakaibigan.halos nabuo kami kasi dumating rin si alvin..sia ang espesyal guest kasi expected na naming di sia makakarating since laguna pa sia galing…pero in fairness dumating sia…Sa bahay ni si ate emy ginanap ang selebrasyon…panu sia lang naman talaga ang me matatawag na sariling bahay…kasi maliban sa kanya sia lahat kami wala pang mag asawa at nakikitira pa kaming lahat sa bahay ng mga magulang namin…hay..masarap ang pagkakagawa ng pansit..masarap talagang magluto ang asawa ni ate emy na si kuya tom…kulit nga lang ng kalbong yun…bihira na ang mga ganitong pagkakataong magkita kita kami..panu abala na ang lahat…may kanya kanyang buhay na pinagkakaabalahan… sina ate fely at emy ay mga huwarang guro…ba ha..18 years na teacher si ate ems…kagabi nga habang dumadaldal kami eh gumagawa sia ng activity plan… for 15 books…ewan ko panu nia ginagawa un..si ate fely…14 years na libreng nagturo sa komunidad..matanda na sia ng bumalik eskwela…ang totoo…sa edad niang mahigit 30 ngayon nia lang natapos ang pagiging isang propesyonal na guro…napakagaling niang tao…nagawa nia ito…kahit minsan alam niang mahirap dahil maliban sa kanyang edad…me sakit rin sia…si tina naman ang masasabi kong pinakamalapit sa akin…isa siang support specialist sa isang call center…baliw itong isang ito..pero siguro pag dating sa pagbigay ng pagmamahal masasabi kong di ko kaya ang kanyang ginagawa…pero dahil sa ganyan sia..naging mahalaga sia sa akin…nasasaktan ako pagnabibigo sia sa pag ibig..pano ilang bigong pag ibig atang ako ang naiyakan nito..hays…si alvin at kuya resty magkapatid at bestfriend naman ni kuya resty, si kuya mel …si kuya resty wala dito sa pinas..nagtrabaho sa abroad simula ng mag asawa. si mel, masayahin at napakagaling kumanta…oo nga pala, kaya kami naging magkakaibigan dahil grupo kami ng isang koro sa simbahan..matagal ng di nagpapakita si mel, ewan ko ba dun…si alvin ang kasing edad ko sa grupo…masasabi kong si alvin ang pinakamalapit kong kaibigang lalake…naging sobrang open ako sa kanya…mabait sia at mabuting anak..marami sa mga batang babaeng aming naturuan na crush na crush sia..at syempre ang bagong miyembro si kuya tom…asawa ni ate ems…sandali lang najibe na ugali namin…makulit, madaldal at me yabang sa katawan ang kalbong ito…isa sia sa mga paborito kong kuya…kasi marahil nakikita ko kung pano nia pahalagahan si ate ems…

kung anuu-ano lang napaga usapan kagabi…asaran..kulitan, pintasan at tawanan..sa nakakapagod na lumipas na buwan…ang ganitong pagsasama ang hinahanap ng katawan ko… Totoong ang mga kaibigan ay nagbibigay ng aliw pag nalulungkot tayo…pero ang mga ito…di lang sila naging aliw sa lungkot…tinutulungan nila akong maging isang mabuting tao…hindi ko lang sila kaibigan…sila ay aking mga idolo sa kanya kanya nilang pagkatao, ate, kuya, minsan ina, minsan nakakabatang kapatid (kahit ako ang pinaka bata sa grupo), at madalas kabahagian ng mga ideang kami-kami lang ang nakakaunawa.

.


Leave a Reply